Browse Lyrics A-Z
A | B | C | D | E | F | G | H | I | J | K | L | M | N | O | P | Q | R | S | T | U | V | W | X | Y | Z

Facebook Lyrics by Hambog Ng Sagpro Krew


 Facebook Lyrics by Hambog Ng Sagpro Krew

Spoken:

Hambog ikaapat ng sagpro krew

Naranasan mo na ba ang mainlove dahil sa facebook?

Pakinggan mo 'to ah

Let's Go!


CHORUS:

Nang dahil sayo O-N-L-I-N-E lang ako

At dahil sa Facebook ay na-in-L-O-V-E sayo

Di ko hahayaang maghang o mag connection error

Dahil sa puso ko ikaw ang lagi kong shoutout

Yeah! kaya ayokong maglogout


Verse 1:

Upo ka muna saglet relax ka muna jan mahal

Pasensya na ang kanta ko para sayo napatagal

Hindi ko to minadale gusto kaseng dahandahanin

Kay sarap kase ang alaala natin alalanin

Di kase inaasahan na ika'y makikilala

Biglaan lang dating mo para bang ligaw na bala

Hayaan mo ak ang kwento natin simulan

Istorya ng pagmamahalan kung ano pinagmulan

(Oh ano, okay na ba?

Mic check okay game)


Isang gabe tutok sa PC at medyo maginaw

Tamang search ng girl sa Facebook biglaang naligaw

Ang aking diwa sapagkat isang anghel ang lumitaw

At alam mo ba kung sino yon oo ikaw

Titig lang sayong litrato kasiyahan natamo

Ako'y tila nahipnotismo sa ganda ng mata mo

Ako'y nagsend ng friend request wala na tong hiya hiya

Eh kaso ang tanong ko lang ako'y iaaccept kaya


CHORUS:

Nang dahil sayo O-N-L-I-N-E lang ako

At dahil sa Facebook ay na-in-L-O-V-E sayo

Di ko hahayaang maghang o magconnection error

Dahil sa puso ko ikaw ang lagi kong shoutout

Yeah! kaya ayokong maglogout


Verse 2:

Inaccept mo ko at nagmessage ka "Thank you for the add"

Kilig ako sagad sagad kaya naman reply agad

Hanggang sa tumagal tungkol sayo'y alam ko na lahat

Pagkat lagi kang nagkekwento pag ikaw aking kachat

Di ko inakala na makikilala kita at tila may kakaiba

Nadarama ko at nadarama mo alam ko na parehas na to at isa

Pagmamahalan namuo satin dahil sa PC lang

Wag mong iisipin na baka ika'y magsisi lang

Pagkat pagibig matatag pa sa pinakamatatag

At sa puso ko ikaw nagiisa na nakatag

Sa status ko mahal ko na babae sisigaw

Sya'y ikaw ay ikaw ay ikaw ay ikaw


Ha! di na magdadasal pa

Pagkat dalangin at hiling ko non ay nanjaan na

Ikaw pala ang tao na nakatakda sa propesiya

Na makikilala ko ng dahil sa teknolohiya

Masaya ang panahon ngayon masyado nang moderno

Sapagkat sa internet ko lang nakuha ang katerno

Na babaeng tinalaga na habang buhay para sakin

Salamat dahil sa buhay ko ika'y naglog-in


CHORUS:

Nang dahil sayo O-N-L-I-N-E lang ako

At dahil sa Facebook ay na-in-L-O-V-E sayo

Di ko hahayaang maghang o magconnection error

Dahil sa puso ko ikaw ang lagi kong shoutout

Yeah! kaya ayokong maglogout


Verse 3:

Mensahe ko para sayo ngayon kinanta na sa mic

Ipopost ko to sa wall mo sana iyong i-like

Ayos lang kung negatibo man ang yong maging komento

Ang sa akin lang naman nais ko lang naman ikwento

Ang istorya kung saan nagmahal ang isang binata

At sa istorya ko ikaw nagpaganda ng kabanata

At sa awit na ito mahal ka nya kanyang panata

Ikaw nagbibigay ng kulay sa mga obra ng makata


Ako'y di sinungaling katauhan ko ay honest

Mahilig ka sa farmville puso ko'y iyong hinarvest

At ikaw laging laman ng mga sulat ko sa notebook

Babae na natagpuan ko lang dito sa Facebook

Magaaral na ako to love you it's all I want to learn

Salamat di mo inignore ang friend request ko kinonfirm

(Wow english yun ah! Burger! Burger! Burger!)


Ang puso ko ikaw sigaw pangalan mo palaging shoutout

Sa buhay ko mahal sana wag ka na maglogout


CHORUS:

Nang dahil sayo O-N-L-I-N-E lang ako

At dahil sa Facebook ay na-in-L-O-V-E sayo

Di ko hahayaang maghang o magconnection error

Dahil sa puso ko ikaw ang lagi kong shoutout

Yeah! kaya ayokong maglogout

Disclaimer: All The Lyrics, Stories, Hymn, Poem & Anthem on Wikilyrics are submitted by various people and they have right on the contents they submitted, all the Contents on our database is for educational purposes only and are made available for free download. If you feel one of your asset should not be here please request take down. (alert-warning)

Download Audio.mp3(download)
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Ads Area

Disclaimer: All The mp3 Downloads, Lyrics, Hymn, Poem & Anthem on Wikilyrics are submitted by various people and they have right on the contents they submitted, all the Contents on our database is for educational purposes only and are made available for free download.