Browse Lyrics A-Z
A | B | C | D | E | F | G | H | I | J | K | L | M | N | O | P | Q | R | S | T | U | V | W | X | Y | Z

Gloc-9 & Skusta Clee - Kumpisal Lyrics


Gloc-9 & Skusta Clee - Kumpisal Full Song Lyrics

 [Skusta Clee:]

Sa dami ng beses na ika'y tinawag

Para lang humingi sa'yo ng patawad

Kaya naman paulit-ulit ko itong binabalikan

Dahil sa pangako mong pagmamahal

Na walang hanggan

Pagpalain mo akong muli

Aakayin ng walang atubili

'Di bibilangin ang pagkakamali

Patawarin mo akong muli


[Gloc-9:]

Bakit naparito ka anak?

Ako po ay nagkasala

Kapatawaran mo ay tiyak

Sa'kin ika'y maniniwala

Kita mo naman ako'y tapat para sa iyong pagpapala

Kahit itanong mo sa kanya

Mga mata ko ay dilat sa mga maling akala

'Di nakikita kahit mulat ang mga pangdaraya

Ang kasamaan ba'y may ugat

Sino ba ang may sala?

Hindi ako 'yung nagsabi niyan

(ads1)

[Skusta Clee:]

Sa dami ng beses na ika'y tinawag

Para lang humingi sa'yo ng patawad

Kaya naman paulit-ulit ko itong binabalikan

Dahil sa pangako mong pagmamahal

Na walang hanggan

Pagpalain mo akong muli

Aakayin ng walang atubili

'Di bibilangin ang pagkakamali

Patawarin mo akong muli


Ilan pong "Ama Namin"? (Ohh)

Ilang "Aba Ginoong Maria"?

Ngunit nang aking silipin (Ohh)

Hindi si "Padre" ang aking nakita


[Gloc-9:]

Ang tagal-tagal ko nang gustong magsalita

Para 'di na 'yung mga maling gawa-gawa

Hindi kasi ginagamot kaya namamaga

Ang gabutil noon, ngayon ay malala

Sinabi ko daw ito at ginawa ko 'yan

Nagpakita daw ako sa mga iilan

'Pag hiningan ka ng pera, 'wag maniwala d'yan

'Di mo kilala ang tao na napagkamalan

Basta't tandaan mo lang ang sasabihin ko

'Di 'yung pilit na ipinapagawa sa'yo

Sa dami ng sumusumpa sa mundong ito

Alam ko na mahirap hanapin ang totoo

Kung tutuusin ay isa lamang ang kasalanan

Pagnanakaw napakaraming magagawa d'yan

Nakawin ang totoo, kasinungalingan

Ninanakaw ang dangal ng kababaihan

Pwedeng nakawin ang puso ng nagmamahal

Nakawin ang oras mo sa minamahal

Nakawan ang respeto kahit ang hangal

'Pag ninakaw ang buhay, gilitin ang punyal

O kahit ano pa 'yan, basta kinuha mo (Kinuha mo)

Ang kahit kapirasong saya na hindi sa'yo (Hindi sa'yo)

'Wag mong kalimutan 'to, uulitin ko

Kasi napipikon ako sa mga gawi mo

Hindi ka pwedeng mabait sa mga mayayaman

Pero ang mga mahirap ay tinatapakan

Upang magmukhang tuwid lahat binabasahan

Pero ang kanyang katulong ay binabasahan

Kilala ko naman lahat ng mga bulan

Kahit na umilag ka ay tinatamaan

Para lang mapagtakpan ang mga kasalanan

Palagi mong isinisigaw ang aking pangalan (Aking pangalan)

(ads1)

[Skusta Clee:]

Kaya naman paulit-ulit ko itong binabalikan

Dahil sa pangako mong pagmamahal

Na walang hanggan

Pagpalain mo akong muli

Aakayin ng walang atubili

'Di bibilangin ang pagkakamali

Patawarin mo akong muli

Disclaimer: All The Lyrics, Stories, Hymn, Poem & Anthem on Wikilyrics are submitted by various people and they have right on the contents they submitted, all the Contents on our database is for educational purposes only and are made available for free download. If you feel one of your asset should not be here please request take down. (alert-warning)

Download Audio.mp3(download)
Tags

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Ads Area

Disclaimer: All The mp3 Downloads, Lyrics, Hymn, Poem & Anthem on Wikilyrics are submitted by various people and they have right on the contents they submitted, all the Contents on our database is for educational purposes only and are made available for free download.